Friday, May 11, 2012

Ang Utot ba ay Parte ng Kaluluwa natin


Hades ng ancient Greece, Grim Reaper naman ang tawag ng mga Kano, Sidapa ang Diyos ng kamatayan sa mga kapatid nating taga Visayas at magpapahuli ba ang Hollywood na si Joe Black. Kinikilabutan na ang ilan sa atin kapag naririnig ang mga famous or better said na infamous na sumisimbolo sa kamatayan. Whether they are real or just a pigment of imagination ng mga tao noon at ngayon isa lang ang maituturing na totoo at ito ay apektado tayo sa tuwing mauulinigan ng tainga natin ang mga karakter na may obligasyong sumundo ng kaluluwa.

Sa dinaramiraming bagay na ayaw nating pag usapan, ang pinaka-hardcore nga naman sa lahat na may repellant nasa kahit anong klaseng usapan ay ang kamatayan. Sino nga naman ang gustong gawing ulam ito sa hapag kainan o kahit pulutan sa anumang inuman o maging front page sa tsismisan session ng mga dakila nating mga kapatid… Bibihira lamang ang mga nilalang ang may lakas loob para pag usapan ang edad na gusto nilang mamatay, ang kulay ng kabaong na hihigaan (I prefer pink), ilang araw ibuburol, kung no gift no entry policy ba ang bibisita sa lamay, saan lugar ibabaon ang katawan, kung pahiga ba o patayo ang kabaong sa pagbaba-unan at ilan pang mga bagay bagay na related sa kamatayan na paksa.
Bakit nga ba tayo takot mamatay? Samantalang walang tao ang habambuhay dito sa daigdig. Ayaw ba nating iwan ang mga mahal natin sa mundong ito… oo malamang ang sagot mo… dahil we simply attach ourselves sa kanila, as if sila na ang purpose natin why we are alive.

Bukod sa katatakutang mawalay sa mga minamahal na unang papasok sa kokote nating mga mortal, ang isa pang kadahilanan ng pagkatakot sa kabaong ay ang mga unfulfilled dreams. Marami tayong gustong gawin at pangarap dito sa earth… Pangarap na makatapos ng pag aaral, yumaman, maging kapitan ng barangay, maging pinaka siga sa eskinita, maging superhero tulad nila batman, Wonderwoman, Kapitan Barbel, Spider-man, Incredible Hulk at ni Mang Jose. Mga kagustuhang pumunta sa malalayong lugar, makapag asawa, makada-upang palad si Kristine Reyes, (ehem ako yun) makasakay ng eroplano, maging sikat, at marami pang pangarap at mga gustong gawin dito sa mundo.

Why are we so afraid to die?

Wealth, commitment, friendship, dreams… lahat ng ito as in lahat ang nagbibigay satin ng katatakutan sa kamatayan.

Scared… as in pagkatakot (scared?) sabi nga nila ang nagbubuklod sa mga tao. Noong unang panahon nga daw, may venecian explorer ang naglakbay patungong Tsina. Sa kanyang pakikipagsapalaran sa Asya, nadiskubre niya ang maalamat na fountain of youth. Ang tubig daw nito ay maghahandog ng walang hanggang buhay at kabataan sa iinom. Nang mailathala ang kanyang paglalakbay, maraming nilalang ang nagka-interes sa kanyang nadiskubre. Mapa mangangalakal, manlalakbay, matatapang na kabalyero, pari, pulubi, simpleng tambay noon, at maging ang mga hari na nasa kanya na lahat ng materyal sa mundo at kapangyarihan ay naghahangad ng immortality. Lahat takot sa kamatayan… Lahat sila ay takot at binubuklod sila nito… Iisang hangarin dulot ng matinding kaba at lust sa buhay.
Takot tayo sa kamatayan tulad ng mga bagay bagay na kinakatakutan natin na normal na makikita sa paligid. Takot tayo sa multo, sa heights, sa AIDS, sa clown, sa zombie na clown, sa bading na macho, sa ahas, daga, sa ipis, butiki at ilan pang mga maliliit na creatures na pinapalaki ng Hollywood. Takot tayo sa bomba, sa digmaan, sa terorista, sa bilyong Tsino na handang sakupin ang Pilipinas, sa martial law, sa kahihiyan, sa masakit na sipa ng katotohanan, sa economic depression, at sa prediction ng mga Mayans.
Ngunit sa lahat ng nabanggit sa taas, walang hihigit sa kamatayan pagdating sa katatakutan.

Bakit nga ba tayo takot sa kamatayan…

Dalawa lang ang rason kung bakit scared (scared? Tama ba? hekhek) ang tao. Una dahil sa post traumatic experience na nangyari sa kanya noon. Ayaw nating maranasan ang mga pangyayari na nagdulot satin ng hirap, pasakit, kaba at kahihiyan. Bagamat ang mga ito’y tapos na at naganap, ang mga pangyayaring ito’y di kailanman mabubura sa pagkatao at madalas na nagdidikta at magdidikta sa desisyon natin sa ating buhay.
Ang isa at mas notorious sa nabanggit kanina ay ang Fear of the unknown. Mga karanasang di pa nangyayari.

Fear of the unknown…? Dahil ba sa isang beses lang mangyayari ang sagradong ritwal na ito kaya tayo natatakot. Kung ang mga post traumatic experience ay maari pang maulit, ang mga fear na dehins pa nararanasan ay mas nakakatakot dahil sa kawalang ideya tungkol sa magaganap. End of the world at kamatayan ang dalawa sa pinaka hardcore na pangyayari na halos lahat ay takot. Takot dahil walang karanasan. Takot sapagkat di pa nagaganap…

Are you still afraid to die?

Isang beses lang tayo ibuburol at isang beses ipagdiriwang ng ating mga kakilala (excluding kay Lazarus at Santino na nabuhay ulit at sa mga karakter ng dragonballz nasa tulong ni Shenron ay pinagkalooban ng pangalawang pagkakataon upang makatikim ng sushi.) Lahat ng makamundong yaman ay maglalaho at iiwan na. Ang mga minamahal, kina-iinisan, mga crush, mga hinangaan, mga epal sa life, mga nasaktan, mga sinaktan, mga pinagka utangan, mga kakilala… lahat ay iiwan…  Wala na lahat ang mga bagay na inakalang importante na animo’y ginawa na nating layunin kung bakit tayo buhay. Magpapaalam nasa sa malaking teatro na ikaw, ako at sila ay independiyenteng umaarte para sa pagiging komportable ng lahat. Ang artista ay lalayo nasa mundo na inakalang realidad. Ang komedya, trahedya at ka-impokrituhan ay maiiwan sa alaala ng mga kakilala at dadating din ang panahon na malilimot nila ang mga nagawang mabuti at sama noong ikaw ay parte ng realidad na pagkakaalam nila.
Bagamat ang pintuan ng teatro at pag arte ay nagsara, ang kamatayan ay simula pa lamang sa tunay na realidad.  

Wala ni isa ang mananatili, lahat ay lilisan at makikipag sabong kay Pedro pagdating ng panahon.

May akda: Patay na ba ako?
San Pedro: bakit? Hehe!
May akda: sira di ito pick up lines. Yuck! Umaabot ba pati dito ang kakornihan ng kabataan ngayon.
San Pedro: Sensya na masama bang maki-in.
May akda: ok ok patay na ba ako?
San Pedro: bakit mo nga nasabi na patay kana?
May akda: Obvious ba? May usok kasi tapos ikaw ba na nasa harap ng malaking gate na puti at mamang may manok panabong. Kahit sinong nilalang naman ang magtataka at magtatanong diba?
San Pedro: Dahil ba may usok, malaking gate at mamang may manok ako na si San Pedro?
May akda: Di ko sinabi na ikaw si San Pedro?
San Pedro: Bakit sinabi ko ba na ako si San Pedro? Diba patanong yun so di ko sinasabi na ako nga yung nasa isip mo.
May akda: Lord kill me!!


Kung sasagutin ko ang tanong na bumabagabag sa mambabasa kung ang utot ba ay parte ng kaluluwa natin...


Wednesday, May 9, 2012

Stellar and Light


 2 Poems na muntik ng mawala
Light – Luigi A. Martinez

I
Dust to dust from soil of earth,
Oh heaven spirit that gives birth.
Eyes are blinded from doctrines of faith,
Science not miracles who creates.

II
Religious groups isn’t the savior of holy men,
Nor salvation can rid your miserable fate,
In a world that believes in power of faith,
That makes men fool in a matter of a decade.

III
Religion was the bright light of humanity,
Bringing him to be good and holy.
But knowledge can only have flickering light,
Whom it may be a star in vast sky.

IV
Come and search the truth in a far,
Not blinded by faith, open your eyes.
Logic is the weapon to find the light,
In the thousands of words of a friar

V

Believe to them, nothing
shall lost,

Trust and be fool,
breathe and fall

Abyss non existence,
heaven is familiar,

We mortal abide in
living paradise.

VI

Blessed the fools, jubilant
they are,

Convinced eternal,
amaranthine in nature,

Without end, death is
the treat,

To the conviction of
eternal perjury.

STELLAR - Luigi Martinez

I

Anguish is a word,
love is sin,

Truth must not
reveal,

Amorous must not
define,

Open not, must
forever seal.



II

Perpetrate me with your judgment,

If I steal
consciously to my foe,

She… stellar from
vast eternal space,

Living in paradise!!
Oh my Goddess!!!



III

Halt the absurd dream
of a dreamer,

Forget the deity of
sky and stars.

Let there be a new
beginning,

May it be!!! Heal my painful
scars.



IV

Time will come I
shall forget you stellar!!!

But you will be
forever in thy history.

Like stars group together
in vast sky,

A constellation,
forever young and invulnerable!!!